Cup of Joe – Hayaan

Hayaan – Cup of Joe Lyrics Letra:
Ngayo’y bumabalik ang mga alaalang kay pait
Muling naririnig ang mga salitang iyong nasambit
Nadarama muli ang mga yakap mong mahigpit

Kaya hayaan sana na ako ngayo’y mapag-isa
Isara ang pinto, ipatulo ang mga luha

Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
Isipang gulo at ‘di pa sanay na ika’y wala na
Na ika’y wala na

Dahan-dahang sasanayin ang aking sarili
Unti-unting aangat, naghihintay ng tamang saglit
Hinay-hinay, ‘wag naman sanang imadali
Kaya pagbigyan na na ako ngayo’y mapag-isa
At ‘wag nang mag-alala, sa tamang panahon ako’y babangon na

Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
Isipang gulo at ‘di pa sanay na ika’y wala na
Na ika’y wala na

Malalim na hininga, damdaming ibuga
Nabibingi sa katahimikang dala
Ng pusong hingalo
Pagod, sumusuko
Oh oh oh oh…

At aking aalamin
Mga tanong na ‘di binabanggit (oh)
Mga sagot hinihingi
Hahanapin ang nakakubli (oh)
Pinaglaban, pinaglaban ko sana
Ngunit wala na, wala na ‘kong magawa

At aking aawitin
Lahat ng damdaming kinimkim
‘Di na kayang mawala
Kaya hayaan sana

Ipikit mga mata, hayaang maglakbay
Isipang gulo at ‘di pa sanay na ika’y wala na

%d blogueiros gostam disto: