Jnske, Yuridope – Blurred

Blurred Lyrics

Intro

“Hey
It’s you
Thank God you picked up
I’m sorry
It’s pretty late already over there
I hope I’m not bothering you”

Verse: Jnske

Nag-umpisa sa ganito
Sa tuwing ako’y binibiro mo
Parang kakaiba na pagdating sa’yo
Iba na ang nararamdaman ko
Pag kausap ka ng magdamag
Ang sarap sa pakiramdam
Ano ba ‘to? (whoa)
Bakit ba na iniipit mo ako
Sa sitwasyong alam mong ako ang taya (whoa)
Bakit ba na tinatago mo pa din sa akin
Kahit alam mong alam ko na (whoa)
Bakit ba kasi hindi mo (‘di mo)
Sabihin kung laro lang ba ang ‘yong motibo (woo)
Porket alam mong kahinaan ko mga ngiti mo
Isang tawag mo lang tanga na naman ako dito (yeah)
Ano bang plano mo? (mo)
Hanggang kailan ba ‘to? (‘to)
Hanggang kailan ako (whoa)
Magiging takbuhan kapag kinakailangan mo
Kapag sumasaya ka ay nalilimutan mo ako (‘yan na ang hirap sa’yo)
Alam kong ikaw ay malungkot
At ako ang iyong kailangan upang mahubog
Wag ka lang mahulog
Dahil di kita na kayang sagipin kapag ika’y nalunod (yuh) “I can still hear your voice in my dreams
But I don’t know if it’s the real you
So far away but for some reason I can still feel you
I try to close my eyes but it doesn’t help, I can still see you
It’s like the sweet smell of your fragrance never ends”

Verse: Yuri Dope

Madalas kitang kasama
Kaso’y madalas ka na di masaya (yuh)
Buti nga’t naaalala mo pa ako
Ito ba’y dapat kong pagpasalamat pa
Madalas nagrereklamo
Kung ba’t nandito pa ako (woo)
Kung nahihirapan na nga ako
Umaasa lang akong may magbago
Sa ganito’y napapasaya mo na ako
Ano pa kung magkaron na ng tayo
Pero malabo kasi di ko matanaw
Yung ikaw na masyadong lumalabnaw
Na kausap, pag usapan na yung ako at ikaw
Iniiba ang topic lagi mo akong nililigaw
Baka kung san pa ‘ko nito dalhin
Humawak ka na sa’kin (sa’kin)
Ikaw yung gusto ko ngayon
Ayaw ko mag-iba ihip ng hangin
Nakikita ko sa’yong mata lungkot mo na dala
Kaya ito ako palagi pinapatawa ka pa
Hirap ka bang umamin?
O wala kang aaminin?
Sabagay yung gising nga
Ay hindi mo magigising
Kaso kasi minsan kailangan mong pilitin
Kasi baka lumala bumalik ka at nagsisising
Dapat pala sinabi ko sa’yo ako’y nagising
Kaya ikaw ang pinili ko kasi sa’yo di magsisisi
Kaso wala kaya wag mo ‘ko masisi-sisi
Kung bakit ka iiyak kasi hindi mo ‘ko pinili

Jnske, Yuridope

%d blogueiros gostam disto: