Still One – Buti Kapa Ok Na

Letra “Still One – Buti Kapa Ok Na” Official Lyrics


Verse 1: Joshua Mari

Iniisip ‘yung dati, ‘yung sa’ting ligaya’y walang sukli
Kaya ‘di malimutan, ‘di matanggap
Na ako ngayon na lamang ay ‘yong dinadaan-daanan
Sinabi ko sa’yo na hindi ko kaya ‘to
Ngunit bakit biglang meron ka ng bago
Pakiramdam ko ako’y walang halaga
Ako nga ba’y iyong tunay na minahal


Chorus: Joshua Mari

Buti ka pa sobrang bilis mo lang akong nakalimutan
Buti ka pa ngayon ay nakahanap ka na ng iba
Alam mo bang sa puso ko’y ikaw pa rin nananatili
Buti ka pa parang wala na ‘yung dating meron sa ating dalawa

cujBpY

Verse 2: Arjay

Gabi-gabi nalasing laging hindi makatulog
Dahil dama ko pa rin ang mga sakit na iyong dinulot
Kahit ano ang gawin bakit ang tulad mo ‘di ko malimot
Inaalala ang nakaraan kung pa’no mo ‘ko pinaikot
Buti ka pa may bagong mundo na nagpapasaya
Habang ako nilamon ng panibugho ‘di na magawang sumaya
At buti ka pa parang wala lang ang nakaraan nating dalawa
At balewala lahat ng mga kabutihan ko sa’yo noong nagawa
Ngunit ngayon ikaw na ay lilimutin, larawan mo ay lulukutin
At ang umibig muli sa iyo ay ‘di ko na uulitin
Dahil pagod na akong masaktan, masakit man na isiping
Ako ay gusto mo lang at iba ang gusto mo na ibigin
‘Wag ka mag-aalala, malilimutan kita, darating ang panahon
Panahon, para ako naman ang sumaya
Hirap man akong kalimutan ang pinagsamahan noon
Nating dalawa, walang sama ng loob
Masaya na ‘ko kung saan ka masaya


Chorus: Joshua Mari

Lyricsbyletras.com

Buti ka pa sobrang bilis mo lang akong nakalimutan
Buti ka pa ngayon ay nakahanap ka na ng iba
Alam mo bang sa puso ko’y ikaw pa rin nananatili
Buti ka pa parang wala na ‘yung dating meron sa ating dalawa


Verse 3: Still One

Bilib na bilib ako sa’yo, buti ka pa okay ka na
Pero ako ‘eto pa rin, durog pa rin, hindi pa rin kita makalimutan
Buti ka pa okay ka na, parang ‘di dumaan sa kabiguan
Nakakatampo, ba’t ang tigas mo ‘yung iwan ako’t maghanap ng iba Buti natiis mo, ikaw na itong nangaliwa, ikaw na itong nagpakahitad
Matapos mo ‘kong hiwalayan, tangina ako pa ang iyong binaliktad
Ako nagloko? Ako ang sumuko? Ako masama? Ako nanakit?
Sige isisi mo sa’kin lahat at isipin mo na ikaw ang mabait
Kahit masakit, titiisin, ayos lang, kahit wala kang pake
Alam ko na ‘di mo na ‘ko mahal kaya sa paglandi, ika’y nagmadali
Bilib ako sa’yo kasi matigas ka, nagawa mo lahat ng aking ayaw
Bilib ako kasi pinagpalit mo ‘yung sampung taon natin sa sampung araw
Bilib ako dahil kahit ‘eto ko luhaan ‘di kayang tanggapin
Nagpakilala ka bilang maling tao na hindi ko dapat mahalin

Chorus: Joshua Mari

Buti ka pa sobrang bilis mo lang akong nakalimutan
Buti ka pa ngayon ay nakahanap ka na ng iba
Alam mo bang sa puso ko’y ikaw pa rin nananatili
Buti ka pa parang wala na ‘yung dating meron sa ating dalawa


Chorus: Joshua Mari

Buti ka pa sobrang bilis mo lang akong nakalimutan
Buti ka pa ngayon ay nakahanap ka na ng iba
Alam mo bang sa puso ko’y ikaw pa rin nananatili
Buti ka pa parang wala na ‘yung dating meron sa ating dalawa

Search music video on youtube:

    Descubra mais sobre LyricsByLetras

    Assine agora mesmo para continuar lendo e ter acesso ao arquivo completo.

    Continue reading