ZILD – Hele

Hele Lyrics
ZILD – Hele Lyrics

Verse 1
Tulog na, aking mahal
Hayaan mong tumulo ang luha mo
Walang makakaalam
Unan lang ang pipintas sa’yo
Pakawalan mo na
Ang naiipong galit at poot
Hindi makakahinga
Kapag nilihim ang nadarama

Chorus 1
At kukumutan
Ang kalungkutan
Dito sa duyan
Langit ang kaibigan mo
‘Di kailangang magtago

Verse 2
Kasama mong mga bituin
Sa bawat luhang inilalabas
Hindi ka nag-iisa
Langit ang hehele sa iyo
Mahal o tandaan
Kahit ‘di malaman ang dahilan
Hawakan aking kamay
Kahit na wala ako riyan
Chorus 2
Makakatulog
Ka nang payapa
Dito sa duyan
Tulog na nang mahimbing
Bukas mo na harapin

ZILD

%d blogueiros gostam disto: