Ateneo’s Music Industry Organization – Tuklas (SHOrSem 2026 Theme) Lyrics & Video

Tuklas (SHOrSem 2026 Theme) – Ateneo’s Music Industry Organization Lyrics

Verse 1:

Sa bagong eskuwela, nahililo na sa bawat tingin

Mga estrangherong may kaba sa bagong aaralin

Na parang saranggolang takot sa ihip ng hangin

May sarili namang kuwentong handa ring paliparin

Pre-Chorus:

Pakakawalan ang takot, alinlangin

Isisilang ang lakas, sa unang hakbang, gamit paboritong titik

Chorus 1:

T! Tahakin ang bagong simula

U! UmIndAK sa tiyempo ng musika

K! Kulayan mo ang MUNdo, at tanging ipakita

Ang puso’y gustong mag

T-U-K-L-A-S

Verse 2:

Ngayon na kabisado na ang bawat daan

Bawat sandali ay puno ng halakhakan

Mga dating hiya’y napalitan ng saya

Sa aking pangangamba, ako mismo’y sapat na pala

Pre-Chorus:

Pakakawalan ang takot, alinlangin

Isisilang ang lakas, sa unang hakbang, gamit paboritong titik

Chorus:

L! Lumipad nang may lakas at maglayag

A! Aabutin ang Sibol na may pag-asa

S! SE, you and me, sama samang magpatuloy

Ang puso’y gustong mag

T-U-K-L-A-S

T-U-K-L-A-S

Bridge:

Dahan-dahan

Hahakbang sa mga hagdanan

Laban-laban

At lahat ay matutuklasan

Dahan-dahan

Hahakbang sa mga hagdanan

Laban-laban

At lahat ay matutuklasan

Chorus:

T! Tahakin ang bagong simula

U! UmIndAK sa tiyempo ng musika

K! Kulayan mo ang MUNdo, at tanging ipakita

L! Lumipad nang may lakas at maglayag

A! Aabutin ang Sibol na may pag-asa

S! SINAG ng buhay ko’y ikaw, kulay bughaw

Hinihintay kita

(Dahan-dahan)

(Laban-laban)

(ikaw, kulay bughaw)

(Hinihintay kita)

Tuklas (SHOrSem 2026 Theme) – Ateneo's Music Industry Organization; compositores Mikhaila Ledres, Miguel Marquez; lançado em 15/07/2026

Advertisement