Ikaw Pa Rin, Hanggang Ngayon – Heath Jornales Lyrics
Sa ngayon
Naghihintay ng tamang panahon
Na sabihin ko sa 'yo
Ang nararamdaman ko
Na ikaw, ikaw pa rin hanggang ngayon
Gusto kita simula pa noon
Ikaw ang aking sinta
Kaya kumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Padala tayo sa hangin
'Wag kang matakot
Balikan ang alaala
Nung tayo'y magkasama
Ako na ang bahala
Sa lahat ng problema mo
Sa gabi
Kinakausap ko ang Panginoon
Na bigyan ako ng pagkakataon
Na mapasa 'yo
P'wede ba, 'wag na nating pagdudahan ang mga sinabi
Ang damdamin ko para sa 'yo ay totoo
Ikaw at ako hanggang dulo
Kaya kumapit ka sa akin
Lumapit ka sa akin
Padala tayo sa hangin
'Wag kang matakot
Balikan ang alaala
Nung tayo'y magkasama
Ako na ang bahala
Sa lahat ng problema mo
Sigaw ng pag-ibig
Palibutan ang mundo ng yakap mo
At kahit masakit, ipaglalaban ko ang puso mo
Hanggang ngayon
Ikaw lang ang pangarap
Na 'di ko kayang bitawan