Paul Pablo – Sagi Lyrics

Sagi Lyrics

1
Wala ka bang nadarama
Sa ating mga ginagawa ‘pag tayo lang dalawa
Kayakap ka
Pero pansamantala lang
Ika’y umaalis habang ako’y umaasa na

Ang pakay mo’y higit pa sa lahat ng ‘to

Masasagi ba sa isip mo na maging tayo?
Ipapalid lang ba sa hangin tawag ng puso?
Ipahiwatig mo naman ang katotohanang tinatago
Masasagi ba ng ‘yong isip nilalaman ng ‘yong puso?

2
Nandito pa kahit walang kasiguraduhan
Sa mga pagtinging hindi alam anong patutunguhan
Ano kayang silbi ng nasimulan
Kung ‘di pagbibigyan at totohanin na ang tayo?

Ipaalam mo sa’kin kung anong dulo

Masasagi ba sa isip mo na maging tayo?
Ipapalid lang ba sa hangin tawag ng puso?
Ipahiwatig mo naman ang katotohanang tinatago
Masasagi ba ng ‘yong isip nilalaman ng ‘yong puso?

(Oh-oh)
Alam kong may nilalaman
(Oh-oh)
Pero takot ka na ipaglantaran
(Oh-oh)
Kita sa’yong mata ang katotohanang
(Oh-oh)
Nasasagi ko na ang puso mo

Masasagi ba sa isip mo na maging tayo?
Ipapalid lang ba sa hangin tawag ng puso?
Ipahiwatig mo naman ang katotohanang tinatago
Masasagi ba ng ‘yong isip nilalaman ng ‘yong puso?

Nasasagi, sagi ba ng ‘yong isip ng ‘yong puso?
Nasasagi, sagi ba? (Oh-oh-oh-oh)
Nasasagi, sagi ba ng ‘yong isip, ng ‘yong puso
Nasasagi ba ng ‘yong isip nilalaman ng ‘yong puso?

%d blogueiros gostam disto: