Darating Ka – TapsWave Lyrics
Nakaupo’t nag-iisip dito sa mundong kay gulo
Ngunit ang aking inaabangan
Di pa rin dumarating
Nawala na ang buhol-buhol na traffic sa kalsada
Pero ikaw ay wala pa rin
Sa bawat oras na lumilipas nang tahimik
Hinahanap ka ng aking damdamin
Sa hangin ay tila ba naririnig
Ang pangalan mong aking sambit
Ngunit anino mo’y di mahagilap
Kailan ka ba darating
Naghihintay ang puso kong sabik
Sabik sa mga yakap mong mahigpit
At sa mga halik mong kay tamis
Nasasabik na makapiling kang muli
Panibagong umaga, panibagong lakas ang taglay
May pag-asa pa habang may buhay
Habang may hininga
Pinipilit ngumiti kahit wala ka sa piling
Umaasang bukas ay darating ka na
Kahit maubos pa ang mga tala
Kahit pa mawala ang liwanag ng buwan
Hindi magbabago ang aking panata
Ikaw pa rin ang tahanan ng puso ko’t diwa
Kailan ka ba darating
Naghihintay ang puso kong sabik
Sabik sa mga yakap mong mahigpit
At sa mga halik mong kay tamis
Nasasabik na makapiling kang muli
Kailan ka ba darating
Naghihintay ang puso kong sabik
Sabik sa mga yakap mong mahigpit
At sa mga halik mong kay tamis
Nasasabik na makapiling kang muli
Darating ka, alam kong darating ka
Katulad ng pagsikat ng haring araw
May bagong pag-asang dala
At sa wakas, ika’y makakasama
Hindi na mag-iisa ang pusong ito
Ikaw na ang tahanan ko
Darating Ka, de TapsWave, balada esperançosa; compositor Sonny Banga Tapel; lançado em May 2, 2026.











